Tutulong ang Simbahan sa Caloocan City government sa implementasyon ng malawakang coronavirus disease 2019 (COVID- 19) vaccination program kapag dumating na ang bakuna sa bansa.

Sa isinagawang Zoom meeting na pinangunahan ni Mayor Oscar Malapitan, kasama ang lahat ng barangay chairman ng lungsod, nagpahayag ng pagsuporta sa programa si Diocese of Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Sa pamamagitan aniya ng dagdag volunteers, aagapay ang Simabahan sa binuong vaccination teams, partikular na ang mga may kasanayan at background sa medisina.

Sinabi pa ni David, handa rin silang tumulong sa information dissemination campaign upang magkaroon ng kamalayan angf mga residente sa magiging proseso ng pagbabakuna.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

-Orly L. Barcala