MARAMI nang nag-aabang na Kapuso viewers sa kakaiba at kwelang trio nina Jose Manalo, Kakai Bautista, at Derrick Monasterio, bilang Celebrity Spectators para sa pinakabagong reality game show na Catch Me Out Philippines.
Ang show ay base sa sikat at exciting na entertainment program sa United Kingdom, bibida ang mga ordinaryong tao na magpapakitang-gilas at makikipagsabayan sa mga totoong propesyonal sa iba’t ibang larangan. Upang manalo, kinakailangan nilang mapaniwala ang celebrity guest judge sa bawat pagtatanghal na hindi sila ang nagpapanggap na contestant.
Maganda sa tatlong hosts, kahit first time lamang silang magkakasama-sama, madali silang nagkapalagayang-loob sa isa’t isa.
“Off-cam para na kaming mga matagal nang magkakakilala, hopefully makita ng mga tao yong bonding namin,” sabi ni Derrick.
Para kay Kakai, sa palagay daw niya ay magiging very refreshing series ito, dahil first time lamang niyang maging lead host ng show, kaya very positive ang feeling niya.
Inihalintulad naman ni Jose na para rin siyang nasa Eat Bulaga, kasama sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros. “At napakagaling nina Cacai at Derrick, pareho silang magaling.”
Mapapanood na ang Catch Me Out Philippines simula sa Saturday, February 6, sa GMA-7.
-Nora V. Calderon