KINAKAILANGANG malaki ang itaas ng climate aid sa milyon-milyong maliliit na mga magsasaka sa buong mundo upang maiwasa ang kagutuman at instabilidad, paalala ng United Nations body kamakailan.

Ang mga maliliit na magsasaka “do little to cause climate change, but suffer the most from its impacts,” pahayag ni Gilbert F. Houngbo, Pangulo ng International Fund for Agricultural Development (IFAD).

“If investments… do not substantially increase, we risk widespread hunger and global instability,” dagdag pa ng IFAD.

Ani Houngbo ang “increasingly common crop failures and livestock deaths” ng maliliit na mga magsasaka “put our entire food system at risk,” kasabay ng paalala na higit pang lalawak ang “hunger, poverty and migration” kung wala ang pagtaas ng ayuda.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Inihayag ng UN agency ang babala bago ang nakatakdang climate adaptation summit ngayong Enero 25 at 26 sa Netherlands.

Sa pagtitipon, plano ng IFAD na ilunsad ang isang bagong $500-million fund na tinawag na ASAP+ “to reduce climate change threats to food security, lower greenhouse gases and help more than 10 million people adapt to weather changes”.

Una nang nangako ang mga bansang Austria, Germany, Ireland at Qatar na mag-aambag sa programa.

Makikiisa naman sa isang debate sa summit sina British actor Idris Elba at asawa nitong si Sandrine, kapwa IFAD “Goodwill Ambassadors,” kasama si Belgian Prime Minister Alexander de Croo.

Iniulat ng IFAD-funded research ang potensyal ng pagbagsak ng produksyon ng mga pangunahing produkto tulad ng beans, maize, at cassava sa pagitan ng 50 at 90 porsiyento sa bahagi ng sub-Saharan Africa dulot ng climate change, “which would result in substantial increases in hunger and poverty”.

“Climate change could push more than 140 million people to migrate” sa kaparehong panahon, ayon sa pag-aaral.

Una nang namahagi ang ASAP programme ng $300 million sa higit limang milyong magsasaka sa 41 bansa.

Ngunit idiniin ng ahensiya na tanging 1.7 porsiyento lamang ng global climate finance ang napupunta sa mga maliliit na magsasaka sa mga papaunlad pa lamang na bansa.

Agence France-Presse