MANACOR, Spain – Abot kamay na ni Filipino tennis prodigy at Globe Ambassador Alex Eala ang pangarap na international title nang magwagi kay Adithya Karunaratne ng Hong Kong, 6-3, 6-4, sa Final Four ng Rafael Nadal Academy World Tennis Tour dito.
Impresibo at determinado ang 15-anyos laban sa 19-anyos na karibal at No.785 sa Women’s Tennis Association (WTA) tour ranking para makalapit sa minimithing kauna-unahang singles title sa International Tennis Federation’s (ITF) women’s tournament.
Makakaharap niya sa Finals so Yvonne Cavalle ng Spain.