ANG South Korean girl group na BLACKPINK na binubuo nina Jisoo, Jennie, Rosé at Lisa, ang official brand ambassador ng Globe. At dapat last Friday evening, January 22, ay may kick-off event sa Bonifacio Global City, na aim ng Globe ay to “reinvent the world” of Filipino BLINKS fans by staging “The Opening Act,” na magpi-feature sila ng series of skylight displays, sa pamamagitan ng paggamit ng drones, bilang pagbibigay-pugay sa popular K-pop group.
Pero nabigo ang Globe at ang mga BLINKS na mapanood ang show dahil nag-fluctuate ang signals bago magsimula ang 7PM countdown. Hindi nag-normalize ang mga drones at nawala ang GPS at satellite signals, kaya napilitan na silang hindi ituloy ang show, bigo silang ma-regain ang access sa mga signals.
Two hours na naghintay ang mga fans kaya nag-issue ng statement ang Globe: “Due to circumstances that are beyond our control, we will need to shift gears and reschedule The Opening Act to a later date. To express our appreciation for all of you who stayed with us tonight, we will be giving away 1000 The Show tickets so you can catch the girls live on January 31.”
Sa Enero 31 mapapanood ang BLACKPINK’s The Show ang first ever livestream concert ng grupo.
-Nora V. Calderon