SA kabila ng nagpapatuloy na laban kontra COVID-19 pandemic, isang malakas na ‘summer of travel’ ang inaasahan na magpapasimula ng pagbangon ng higit 100 milyong trabaho sa global travel at tourism sector ngayong taon, ayon sa latest economic forecast mula World Travel and Tourism Council (WTTC).
Base ang mga salik para sa prediksyong ito sa malawakang vaccination program at ang mabilis na adapsyon ng komprehensibong test-and-trace regime, kasama ng patuloy, malakas na pandaigdigang koordinasyon mula sa mga pribado at pampublikong sektor.
Ayon sa global tourism body, inaasahan ang “strong summer of travel” sa pagsisimula ng sektor sa daan nito patungo sa pagbangon mula sa huling bahagi ng Marso pasulong, kasama ng naglalakihang travel companies na nag-ulat ng malaking pagtaas ng forward bookings.
Noong nakaraang taon, nagbabala ang WTTC na 174 million global travel at tourism jobs ang nanganganib.
Ngunit base sa pinakabago nitong forecast, nasa 111 million trabaho ang muling makakabangon, bagamat nasa 17 porsiyento itong mas mababa sa tala noong 2019, na katumabas ng 54 million mas kakaunting trabaho.
Nabanggit din ng global bdy na inaasahang tutulak ang pagbangon sa international travel sa ikalawang bahagi ng 2021.
“We are looking forward to a strong summer of travel, thanks to a combination of mask wearing, the global vaccination rollout and testing on departure unlocking the door to international travel once more,” pahayag ni WTTC President at CEO Gloria Guevara.
“This projected outcome will come as huge relief and be welcomed as the beginning of the long-awaited recovery, for a sector which has for so long suffered the brunt of hugely damaging travel restrictions,” aniya.
Gayunman, binigyang-diin ni Guevara na hindi dapat makampante sa kabila ng inilabas na tal lalo’t “recovery is not a foregone conclusion.”
“There is still a long way to go and we will encounter many more bumps in the road ahead,” diin niya.
Aniya, ang pagsusuri sa departure ay mananatiling isang kritikal na aspekto sa pagbabalik ng paglalakbay, dagdag pa na ang pagbangon ng pinakamatinding tinamaang industriya ay hindi maaaring sumandal lamang sa rollout ng COVID-19 vaccines.
Dagdag pa rito, isang bagong pag-aaral ang nagsiwalat na babagsak ang global gross domestic product (GDP) ng 17 porsiyento kumapara sa tala noong 2019, hanggang US$7.4 trillion.
Sa isagng higit na konserbatibong resulta, sa mas mabagal na pagbangon, babagsak ang kontribusyon ng sektor ng higit isang kwarter o 27 percent, hanggang US$ 6.5 trillion.
-Hanah Tabios