Gawing alternatibo ang manok, isda, at itlog dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng karne ng baboy.

Ito ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) bilang alternatibo sa mataas na presyo ng baboy.

“We are encouraging them as source of livelihood, para mas marami. Kapag marami na talaga, bababa ang presyo,” ayon sa tagapagsalita ng DA. Ayon sa DA, nagkakahalaga lamang ang manok ng P180 kada kilo habang ang itlog ay naglalaro mula P6 hanggang P7 kada piraso.

Habang ang farmgate price ng bibe ay nasa P200 per kilo at ang Peking duck naman ay aabot lang P250 kada kilo.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kung sa tilapia at bangus naman, tinatayang nasa P120 at P140 hanggang P160 per kilo nito.

Beth Camia