WASHINGTON (AFP) — Ang paglilitis sa US Senate kay Donald Trump ay magsisimula sa ikalawang linggo ng Pebrero, ilang araw pagkatapos ang isang bagong kaso ng impeachment laban sa dating pangulo ay naisumite ng Kamara, sinabi ni Senate Majority Leader Chuck Schumer nitong Biyernes.

In-impeached ng House of Representatives si Trump sa makasaysayang pangalawang pagkakataon noong Enero 13, isang linggo lamang bago siya umalis sa opisina.

Sinabi ni Schumer na ang artikulo ng impeachment ay maihahatid at babasahin sa Senado sa Lunes ng 7:00 pm. Ang 100 miyembro ng kamara ay manunumpa bilang mga hurado sa paglilitis kinabukasan. Ang mga miyembro ng Kamara na itinalaga ni Speaker Nancy Pelosi bilang mga impeachment manager, at mga miyembro ng defense team ni Trump, ay bibigyan ng oras upang magbalangkas ng kanilang ligal na mga salaysay.

“Once the briefs are drafted, presentation by the parties will commence the week of February 8,” sinabi ni Schumer sa kanyang mga kasamaham sq Senate floor.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'