WALANG plano ang World Health Organization na baguhin ang panuntunan nito sa rekomendadong fabric facemasks sa pagkalat ng bagong coronavirus variants, dahil naikakalat ang mutated strains sa parehong paraan.
Ginawa nang mandataryo ng Germany at Austria ang pagsusuot ng
medical masks sa mga pampublikong transportasyon at mga shop –na tanging pinahihintulutan ang surgical o FFP2 masks, sa halip na fabric — sa gitna ng pangamba hinggil
sa panganib na maaaring maidulot ng mas nakahahawang bagong virus mutations.
Sinabi ni Maria Van Kerkhove, WHO’s Covid-19 technical lead, na ang new variants “may have increased transmissibility,” ngunit sa mga pag-aaral mula Britain at South Africa sa nadetektang mutations, “we have no indication that the modes of transmission has changed. It spreads the same way.”
Nag-abiso ang WHO na ang “non-medical, fabric masks can be used by the general public under the age of 60 and who do not have underlying health conditions”.
Samantala, inirekomenda naman ng ahesiya ang medical masks para sa mga health workers sa clinical settings; mga may sakit, naghihintay ng Covid-19 test results o nagpositibo; at mga tao na nangangalaga sa mga hinihinala o kumpirmadong kaso.
Inirekomenda rin nila ito para sa mga tao na nasa edad 60 pataas, o may mga iniindang karamdaman, dahil sa mas mataas na panganib sa mas malalang sakit.
Nilinaw ni Van Kerkhove sa isang press conference sa Geneva na walang plano ang UN health agency na baguhin ang posisyon nito.
“Countries are free to make decisions as they see fit,” aniya.
“We will continue to look at the evidence that we have seen, but from the data that we have seen from the countries that have these virus variants, there is no change in the modes of transmission.
“If anything changes, we will modify and we will update (guidance) accordingly.”
Aniya, dapat na gawa ang fabric facemasks sa tatlong layers upang magbigay ng sapat na proteksyon.
Ang inner layer ay dapat water-absorbent, tulad ng cotton; ang middle layer ay mula dapat sa materyales tulad ng non-woven polypropylene, at umaaktong filter; habang ang outer layer ay dapat na water-resistant, tulad ng polyester, base sa WHO guidance.
Ngunit ang facemasks ay isa lamang kasangkapan upang mabawasan ang tiyansa na kumalat ang virus, at wala pang isang solusyon na magpapahinto sa pandemya, ani Van Kerkhove.
Para a medical masks, na required sa mga health workers, nananatiling problema pa rin ang global shortage.
“The shortage issue has improved over time, but it is still not completely fixed,” aniya.
Agence France-Presse