Nagnegatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lalaking unang nahawaan ng United Kingdom (UK) variant sa Pilipinas, kamakailan, ayon sa Department of Health (DOH).

Gayunman, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy pa rin nilang sinusubaybayan ang kalusugan ng nasabing pasyente.

“Yes, the index case tested negative already. But a thorough assessment still has to be done such as chest X-ray because he was diagnosed with pneumonia at the start,” ani Vergeire.

Ganito rin ang anunsyo ng Quezon City government sa kanilang official Facebook page.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Aniya, magsasagawa pa rin ng final assessment ang mga doktor bago payagan itong maka-uwi sa kanyang pamilya at makahalubilo sa kanilang pamayanan.

“However, he will remain under health monitoring for at least two weeks,” sabi pa nito.

-Analou de Vera at Joseph Pedrajas