SARIAYA, Quezon – Pinagbabaril at napatay ng riding in-tandem ang isang guro habang kumakain sa isang karinderya sa Barangay Montecillo sa nasabing bayan, kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang kinilala ng pulisya na si Domingo Jaron, alyas “Sir Jaron”, 56, binata at taga-GCR Village, Bgy. Lutucan Malabag ng nasabing bayan, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ni Lt. Col. Reynaldo Reyes, hepe ng Sariaya Police, kumakain lamang ang biktima sa isang karinderya nang biglang barilin ng isa sa nakamotorsiklo, dakong alas-9:40 ng umaga.

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Narekober ng pulisya sa crime scene ang tatlong basyo ng bala.

Patuloy pa ring sinisiyasat ng mga awtoridad ang kaso.

-Danny Estacio