Game si Pia Wurtzbach sa pagsagot sa mga tanong ng netizens sa kanyang IG Stories.

pia

Ang unang tanong sa kanya ay kung engaged na sila ng boyfriend niyang si Jeremy Jauncy.

“False. Ito talaga unang tanong hahaha. If it was true, trust me you’d know haha.”

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Nabanggit din ni Pia na may video raw na sinasabing engaged na sila ng boyfriend, kaya nga kanyang nilinaw.

Natanong din si Pia kung gusto niyang magpa-breast reduction at “false” ang sagot niya.

“I also realized na di ako dapat magpa apekto sa mga sinasabi ng ibang tao.. So I accepted myself nalang:) Be confident with your bodies! I’m glad I didn’t let my insecurities get to me.”

Naikuwento rin ni Pia na nagkaroon siya ng insecurities dati dahil sa boobs niya at dahil tinutukso siya ng classmates niya at nahihiya siya. Inisip din niyang magpabawas ng boobs, natakot lang siya dahil malaki raw ang scars at pasalamat siya na hindi niya itinuloy. Lumalabas kasi na asset niya pala ang pagiging boobsie.

Nabanggit ni Pia na sa Morocco muna siya nag-i-stay dahil takot pa siyang bumalik sa UK dahil sa Covid-19, at hindi rin siya makabalik ng Pilipinas for the same reason.

-NITZ MIRALLES