Ipinababasura ni Senator Leila De Lima sa hukuman ang kinakaharap na kasong may kinalaman sa pagbebenta ng iligal na droga dahil umano sa mahinang ebidensya.

Ito ay nang maghain ang kampo ng senador ng “Demurrer to evidence” sa Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 205, dahil wala umanong maiharap na matibay ebidensya ang prosecution panel laban sa kanya at sa kasamahang akusado na si Jose Adrian “Jad” Dera sa kabila ng iniharap na 21 na testigo at sangkatutak na dokumento sa korte.

Ang nasabing mosyon ay iniharap ng legal counsel ng senador na si Atty. Rolly Teoro.

Si De Lima ay inaakkusahang tumanggap ng P5 milyon noong Nobyembre 24, 2012 at P5 milyon noong Disyembre 15, 2012 na galing umano sa transaksyon ng iligal na droga sa New Bilibid prison para pondohan ang kandidatura nito sa pagka-senador.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kasalukuyan pa ring nakapiit si De Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

-Leonel Abasola