KUNG maigsi ang kumot, magtiis mamaluktot.

ramirez

Tugma ang matandang kasabihan sa kasalukuyan para sa atletang Pinoy, higit yaong may tsansang sumabak sa Olympic qualifying at nakalinyang international multi-event bunsod nang limitadong budget na matatanggap ng Philippine Sports Commission (PSC) sa taong kasalukuyan mula sa General Appropriation Act (GAA).

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na-vetoed (conditional) ng Pangulong Duterte ang karagdagang P510 milyon na isinulong ng mga mambabatas kabilang na si Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino na siya ring pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) .

BALITAnaw

'Chapter closed:' Ang KathNiel sa loob ng 11 taon

Ang desisyon ng Malacanang ay posibleng dulot nang pagbibigay prioridad sa paglaban ng bansa sa COVID-19 coronavirus, gayundin ang pagbili sa kinakailangang vaccine na magsisimula sa Abril.

“With a note Conditional. Meaning it’s still possible but if we have the NSDF or the Pagcor Funds we will finance with NSDF. But it’s a big question, because the Pagcor remittances had diminished also because of the pandemic,” pahayag ni Ramirez.

Iginiit ni Ramirez na tuloy ang paglalaan ng ahensiya sa buwanang allowances ng mga atleta, gayundin sa kanilang pagsasanay sa sandaling payagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik ensayo ng lahat ng mga atleta.

May inilaan na rin ang PSC ng budget para sa international competition, ngunit makatitipid ang ahensiya sakaling maantala ang mga ito bunsod na rin ng ipinatutupad na ‘safety and health’ protocol ng iba’t ibang bansa.

Isinulong ng PSC ang Department of Budget (DBM)- regular budget na P207 milyon, ngunit dahil sa nakatakdang pagsabak ng bansa sa anim na major international event, tampok ang SEA Games sa Vietnam at Olympic sa Tokyo, Japan, ini-lobby ni Tolentino sa Senado ang dagdag na P510 milyon na kinatigan naman ng mga mambabatas sa ginanap na budget hearing.

“We will make do of what funds we have. Vaccine is priority,” sambit ni PSC Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez, magsisilbi ring Chief of Mission ng Philippine Team sa Vietnam SEAG sa Hulyo.

Bukod sa Tokyo Olympics at Vietnam Southeast Asian Games, nakatakda ring sumabak ang atletang Pinoy sa Paralympics, Asian Beach Games, Asian Indoor and Martial Arts Games at Asian Youth Games na pawang wala pang ipinapahayag na postponement mula sa mga organizers.

Sinabi naman ni dating POC chairman at wrestling federation president Monico Puentevella na nararapat na maging transparent si Tolentino sa tunay na kaganapan upang hindi lubos na umaasa ang sambayanan sa magiging kampanya ng bansa sa tournament abroad.

“Let’s be transparent so the people may know and not expect too much from us. Let’s give them the real news and facts. Not false hopes. The catastrophic pandemic is given more priority and I don’t blame President Duterte. The President is consistent with the policy to optimize the use of public funds,”

“Don’t blame the PSC also. They are doing their best with what they have,” pahayag ni Puentevella.

-Edwin G. Rollon