CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Tumaas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nasabing lungsod.

Ito ang kinumpirma ng surveillance nurse ng Department of Health (DOH) na si Ma. Jessica Roxas, kahapon.

Nakapagtala aniya ang lungsod ng 592 kabuuang kaso matapos maitala ang 19 na bago nitong pasyente.

Sa ngayon aniya, nasa 1,845 kaso na ang naiulat sa lalawigan kasunod ng pagkakaratay ng 27 bagong pasyente.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Pumapangalawa aniya sa may mataas na kaso ng virus ang Gapan City (266), sumunod ang Palayan City (126); San Jose City (76); Guimba (65); Gen. Tinio (64); Talavera (56); San Isidro (56); at Jaen (54).

Tanging ang Nampicuan lamang ang walang naitalang kaso ng COVID-19, ayon sa DOH.

Kahapon, aabot sa 1,624 ang naitalang nakarekober at 95 ang binawian ng buhay.

Inihayag ni Roxas na isinasailalim pa rin sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lalawigan sa kabila ng pagtaas ng kaso ng sakit sa lugar. “Controlled po ang pagkalat ng virus kasi “familiar” ang cause ng transmission, ibig sabihin, sa loob lang mismo ng pamilya ang pinagmumulan,” dagdag pa ni Roxas

-Ariel Avendaño