Inaprubahan na ng Inter- Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang una nang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na pahintulutan na ang mga 10-taong gulang na makalabas ng bahay.

Sa ilalim ng IATF Resolution No. 95 na inilabas nitong Huwebes, ibinaba ang age-based restrictions sa 10-taon mula sa dating 18-years old.

Gayunman, nilinaw ng IATF na nasa mga local government unit pa rin ang pagpapasya kung ia-adopt ang nasabing pagluluwag sa age-restrictions para sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Paalala ng IATF, magiging epektibo ang IATF resolution sa Pebrero 1.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Una nang inirekomenda ng DTI ang pagluluwag sa gitna ng target ng pamahalaan na mas mapalakas pa ang takbo ng mga negosyo sa bansa.

-BETH CAMIA