Ang coronavirus variant na napansin sa South Africa ay nagdudulot ng “significant re-infection risk” at nagtataas ng mga alalahanin sa pagiging epektibo ng bakuna, ayon sa preliminary research nitong Miyerkules, dahil iminungkahi ng hiwalay na mga pag-aaral na ang British strain ay malamang na mapigilan ng mga pagbabakuna.
Ilang mga bagong variant - bawat isa ay may isang kumpol ng genetic mutations - ang lumitaw sa mga nagdaang linggo, na nagdulot ng mga takot sa pagtaas ng pagkakahawa pati na rin ang mga mungkahi na ang virus ay maaaring magsimulang iwasan ang immune response, mula man sa naunang impeksyon o isang bakuna.
Ang mga bagong variant na ito, na napansin mula sa Britain, South Africa at Brazil, ay may mga mutation sa spike protein ng virus, na nagbibigay-daan sa virus na dumikit sa mga cell ng tao at samakatuwid ay may mahalagang papel sa paghimok ng mga impeksyon.
Ngunit isang partikular na mutation - kilala bilang E484K at taglay ng variants na nakita sa South Africa at Brazil ngunit hindi ng mula sa Britain - na partikular na ikinababahala ng mga eksperto na matatakasan ang immunity.
Sa isang bagong pag-aaral, na kung saan ay hindi pa nai-review ng kapwa eksperto, sinubukan ng mga mananaliksik sa South Africa ang variant na natagpuan doon - tinatawag na 501Y.V2 - laban sa blood plasma ng dugo mula sa mga gumaling na pasyente ng Covid-19.
Nalaman nila na ito ay lumalaban sa pumapatay na mga antibodies na nabuo mula sa naunang impeksyon, ngunit sinabi na mas maraming pananaliksik ang kinakailangan sa pagiging epektibo ng iba pang mga bahagi ng immune response.
“Here we show that the 501Y.V2 lineage, which contains nine spike mutations and rapidly emerged in South Africa during the second half of 2020, is largely resistant to neutralising antibodies elicited by infection with previously circulating lineages,” sinabi ng mga may-akda.
“This suggests that, despite the many people who have already been infected with SARS-CoV-2 globally and are presumed to have accumulated some level of immunity, new variants such as 501Y.V2 pose a significant re-infection risk.” Idinagdag ng mga mananaliksik na maaari rin itong makaapekto sa paggamit ng convalescent plasma bilang paggamot para sa Covid-19. Iminungkahi din nila na maaari itong magkaroon ng “mga implikasyon” para sa mga bakunang nabuo batay sa immune responses sa spike protein ng virus.
Si Trevor Bedford ng Fred Hutchinson Research Center ay nag-tweet na ang variant na ito ay maaaring kumalat “more widely in the coming months”.
Kung ang mga resulta ng pag-aaral sa South Africa ay nakumpirma, sinabi niya na maaaring kinakailangan na iakma ang “strain” ng virus na ginamit sa pagbuo ng bakuna sa taglagas ng taong ito.
Ang tuklas ay “not good news but it’s not unexpected,” sinabi ni James Naismith, Director ng Rosalind Franklin Institute, sa mga komento sa Science Media Centre.
Sinabi niya na real world immune responses ay mas kumplikado kaysa sa mga blood plasma neutralising antibodies. “The vaccines do stimulate very strong responses, immunity is a sliding scale, it’s not an on/off switch,” dagdag niya.
UK strain
Dalawang iba pang paunang pag-aaral na nai-post sa online noong Miyerkules ay natuklasan na ang mga antibodies mula sa mga pasyente na naimpeksyon dati ay higit na epektibo laban sa variant nakita sa Britain at ang bakunang BioNTech/Pfizer ay mukhang napoprotekta din laban dito.
Sinabi ng mga mananaliksik na ang kanilang maagang natuklasan sa mabilis na pagkalat ng strain, na kilala bilang B.1.1.7, ay nagmungkahi na ang variant ay hindi makakaiwas sa proteksiyon na epekto ng mga kasalukuyang bakuna.
“Our results suggest that the majority of vaccine responses should be effective against the B.1.1.7 variant,” kongklusyon mg mga mananaliksik mula sa Britain at Netherlands sa isa sa mga pag-aaral.
Sinubukan ng mga may-akda ang UK strain sa laboratoryo gamit ang antibodies na mayaman sa blood plasma mula sa 36 mga pasyente na gumaling mula sa alinman sa banayad o malubhang mga porma ng Covid-19 at natuklasan na karamihan ay napatay ang variant.
Ang isang hiwalay na pag-aaral ng mga mananaliksik mula sa BioNTech at Pfizer ay inihambing ang neutralising effect ng plasma mula sa 16 na kalahok sa kanilang clinical trials ng bakuna laban sa British variant at ang orihinal na virus na lumitaw sa Wuhan, China.
Napagtanto nila na “unlikely” na ang B.1.1.7 variant ay maaaring makatakas sa immune protection ng bakuna.
Agence France-Presse