Dapat na mayroong Emergency Use Authorization (EUA) bago gamitin sa pagbabakuna ang mga donasyong coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na natanggap ng Pilipinas.
Ito ang naging paglilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) at sinabing kinakailangan munang makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) ang mga kumpanyang nais mag-donate ng bakuna sa gobyerno para mas mapadali ang pagtanggap at pagproseso nito.
Paglilinaw ng FDA, ang DOH ang susuri sa mga produkto upang madetermina kung ito ang kinakailangan ng mga benepisyaryo, reliability ng pinagmulan at shelf life, at iba pang criteria.
Kapag walang EUA mula sa FDA ang mga donasyong bakuna, ang DOH na ang dapat na mag-apply para sa EUA para sa seguridad, kalidad at kaligtasan sa paggamit ng vaccines at saka lamang maaring ipagamit ang produkto.
“Let it be stresses that the approval of the donated product does not mean free use therof. FDA’s authorization is limited to the donated lort and carries conditions for use depending on the nature of teh donated product. DOH, as the donee, is mandated by the FDA toassume full responsibility on the use of the donate3d product. Thus, if DOH would accept donated COVID-19 vaccines and is granted an EUA, it shall assume full responsibility for said health product,” pahayag pa ng FDA.
Bella Gamotea