WASHINGTON, D.C. (AFP) - Plano ni US President Joe Biden na sisimulan ang kanyang bagong administrasyon Miyerkules na may utos na ibalik ang United States sa kasunduan sa klima ng Paris at World Health Organization, sinabi ng aides.
Pipirma si Biden ng 17 mga utos at pagkilos ilang oras lamang pagkatapos manumpa bilang pinuno ng US para humiwalay sa mga patakaran ng pag-alis ni President Donald Trump at magtakda ng mga bagong landas sa imigrasyon, kapaligiran, paglaban sa Covid-19 at sa ekonomiya, sinabi nila.
Sa kanyang mga hakbang sa unang araw, tatapusin niya ang labis na tinutuligsang-pagbabawal ni Trump sa mga bisita mula sa maraming mga bansa na may kalakhang Muslim at ihinto ang pagtatayo ng pader na iniutos ni Trump sa hangganan ng US-Mexico upang pigilan ang iligal na imigrasyon, sinabi ng aides.
Magtatakda rin siya ng isang mandato ng pagsusuot ng mask sa mga pederal na pag-aari upang hadlangan ang pagkalat ng Covid-19; ibalik ang mga proteksyon ng mahalagang nature reserves na tinanggal ni Trump; at hihilinging i-freeze ang pagpapaalis at bigyang-proteksyon ang milyun-milyong hindi nakabayad ng kanilang mga mortgage dahil sa pandemyang coronavirus.
Plano rin niyang magpadala ng isang panukalang batas sa Kongreso upang baguhin ang mga patakaran sa imigrasyon at bigyan ang milyun-milyong mga walang dokumento na mga migrante na naninirahan sa loob ng bansa ng isang landas sa pagkamamamayan na tinanggihan ng administrasyong Trump.
Sinabi ng tauhan ni Biden na nais niyang kaagad magtrabah dahil sa malalim na hamon sa kalusugan at pang-ekonomiya na kinakaharap ng bansa.
Si Biden “will take action -- not just to reverse the gravest damages of the Trump administration -- but also to start moving our country forward,” sinabi ng aides sa isang pahayag.
“These actions are bold, begin the work of following through on President-elect Biden’s promises to the American people, and, importantly, fall within the constitutional role for the president.”
Bagong diskarte sa COVID-19
Marami sa mga pagkilos na ito ay ibabalik ang mga patakaran ng gobyerno kung nasaan sila noong Enero 19, 2017 - ang huling araw ng administrasyong Barack Obama-Joe Biden, bago pumasok sa opisina si Trump at gumawa ng isang malaking pinsala sa marami sa kanilang mga inisyatiba.
Sinabi ni Jeff Zients, ang point-man ng bagong pangulo para labanan ang pandemya, na magsisimula si Biden sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang tanggapan ng coronavirus disease (COVID-19) response sa loob ng White House.
Ang 100-day “masking challenge” ay pangungunahan ng isang presidential order para sa pagsusuot ng mga mask sa lahat ng mga pag-aari at aktibidad ng pederal, na nagtatakda ng pamantayan para sa mga pribadong kumpanya, indibidwal na estado at mga pamayanan na sumunod, sinabi ni Zients.
Ang Miyerkules ang simula ng “new day, a new, different approach to managing the country’s response to COVID-19 crisis,” aniya.
Kasama rito ang pagwawaksi sa desisyon ni Trump na umalis sa World Health Organization.
Upang bigyang diin ang desisyon ni Biden, sinabi ni Zients, ang nangungunang coronavirus expert ng US na si Anthony Fauci Anthony Fauci ang mamumuno sa delegasyon na makilahok sa pagpupulong ng Executive Board ng WHO sa Huwebes.
“America’s withdrawal from the international arena has impeded progress on the global response and left us more vulnerable to future pandemics,” aniya.
Sinabi ni Gina McCarthy, ang chief climate advisor ng bagong administrasyon, na ang pagbabalik sa 2016 Paris accord ay mahalaga sa para maging sentro ng prinsipyo ng patakaran sa pakikipaglaban sa pagbabago ng klima ng administrasyong Biden.
Babaliktarin din ni Biden ang mga desisyon ni Trump na luwagan ang mga pamantayan ng emisyon at kahusayan, at tatanggalin ang permiso para sa pipeline ng Keystone XL, isang malaking proyekto na magdadala ng high-polluting Canadian oil sa United States.
“The day-one climate executive orders will begin to put the US back on the right footing, a footing we need to restore American leadership, helping to position our nation to be the global leader in clean energy and jobs,” sinabi ni McCarthy.
Ang iba pang mga pagkilos ng bagong pangulo ay mangangailangan ng government-wide, proactive equality effort para sa mga pangkat na minorya, sa pagkuha ng trabaho, pagkontrata, at serbisyo.
“The President-elect has promised to root out systemic racism from our institutions,” sinabi ni Susan Rice, ang kanyang Domestic Policy Council director.
-Roy Mabasa