SENTRO ng usapin ang paglahok ng Philippine Team sa Women’s Baseball World Cup sa Tijuana, Mexico at 30th Winter Universiade sa Lucerne, Switzerland  sa "Usapang Sports on Air" ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon via Zoom.

Magbibigay ng sariwang balita si Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga sa paghahanda ng Nationals sa pagsabak sa Women's World Cup na nakatakda sa Marso 1-9 sa Tijuana.

Target ng Philippine under-23 team na makatapos sa podium at mapataas ang world ranking. Sa kasalukuyan, nasa No.15 ang Pinay batters.

Ilalahad naman ni Federation of School Sports Associations of the Philippines (FESSAP) executive vice president Robert Calo ang paglahok ng bansa sa Winter Universiade sa Dec. 11-21 sa Lucerne.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Makakasama niya sa lingguhang forum na nakatakda ganap na 10:00 ng umaga sina Figure skating champion Misha Fabian, kumatawan sa  bansa sa Winter Universiade sa Krasnoyarsk, Russia noong 2019, at coach Ronan Capili.

Ang TOPS ‘Usapang Sports on Air’ ay mapapanood ng live sa Facebook at YouTube at itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and Games and Amusements Board (GAB).

Sina veteran sportscaster Ernest Leo Hernandez at Phaister ang OPS moderators.