MAAARING malabanan ng mga tao ang banta ng reinfection sa loob ng anim na buwan matapos siyang maka-recover mula sa COVID-19 salamat sa cells sa may kakayahang “maalala” ang virus, ayon sa isang pananaliksik na inilabas nitong Lunes.
Pinag-aralan ng mga mananaliksik mula United States at Switzerland ang mga tao na gumaling mula COVID-19 kung saan nila natuklasan na bagamat naglalaho ang kanilang antibodies sa paglipas ng panahon, napananatili nila ang lebel ng specific memory B cells.
May kakayahan ang mga cells na ito na maalala ang pathogen at kung maharap sa reinfection, kaya nitong diktahan ang immune system na muling simulan ang produksyon ng virus-fighting antibodies.
“Memory responses are responsible for protection from reinfection and are essential for effective vaccination,” saad pa sa pag-aaral na inilimbag sa journal Nature.
“The observation that memory B cell responses do not decay after 6.2 months, but instead continue to evolve, is strongly suggestive that individuals who are infected with SARS-CoV-2 could mount a rapid and effective response to the virus upon re-exposure.”
Sinuri ng mga mananaliksik ang nasa 87 tao na nagkaroon ng COVID-19 higit isang buwan at anim na buwan matapos ang impeksyon.
Habang natuklasan nila na nababawasan ang virus neutralising antibody activity sa paglipas ng panahon, nananatili naman ang bilang ng memory B cells.
Pagbabahagi ng mga mananaliksik, ipinakikita ng kanilang pag-aaral na nag-evolve ang memory B cell response laban sa coronavirus sa nakalipas na anim na buwan matapos ang impeksyon sa prisensiya ng viral remnant proteins sa katawan— na nagpapahintulot sa cells na mag-produce ng mas maraming potent antibodies.
Gaano katagal malalabanan ng tao ang reinfection sa coronavirus at anong immune process ang sangkot ang susi upang mabatid ang dinamiko ng pandemya.
Nagdulot ng pangamba ang mga naunang pag-aaral na nagpapakita na mabilis na naglalaho ang neutralising antibodies matapos maimpeksyon ng SARS-CoV-2.
Ngunit sa pinakabagong mga pag-aaral binigyang-diin ang tungkulin ng ibang mga bahagi ng immune system para sa longer-term immunity.
Sa isang pag-aaral na inilabas ng journal Science ngayong buwan, sinasabing halos lahat ng mahahalagang bahagi ng immune system ay may kakayahang makilala at maitaboy ang isang bagong pathogen na maaaring magpatuloy na tumugon sa virus sa loob ng hanggang walong buwan.
Kabilang dito ang protein spike specific memory B cells, na natuklasan ng mga mananaliksik na tumataas ang bilang sa dugo, anim na buwan matapos ang impeksyon.
Base ang papel sa analisis ng blood samples mula sa 188 COVID-19 patients.
Agence France-Presse