SAKSI si seasoned director Olivia Lamasan na generosity ni actress-TV host Toni Gonzaga na ibinigay ng malaking bahagi ng kanyang talent fee sa retrenched employees ng ABS-CBN noong nakaraang taon.
“Alam niyo po mga kaibigan, ito pong si Toni gave a generous portion of her talent fee, if not all. ‘Di ba anak, all your talent fee? Para po sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan po ng trabaho nu’ng inorder po ng Congress na i-shutdown kami. So I will never forget that kasi napaiyak mo ako noon sa sobrang kalakihan ng puso mo at kabutihan mo,” pagbubuking ni Direk sa isang recorded message para sa Multimedia Star sa isang special birthday episode ng show ni Toni na I Feel U. “Maraming, maraming salamat! And I pray that, you know, God returns your generosity a thousand-fold and that blessings may continue to abound you in all aspects of your life.”
Nagpahayag din ng pasasalamat si ABS-CBN executive kay Toni sa pagtanggap nito ng kanilang online show noong early stage ng pandemic at franchise renewal nitog 2020 sa kabila ng mababang salary.
“Nu’ng una ka naming pinakiusapan gawin ang programang ito, sabi namin kung pupuwede tanggapin mo ito sa starting rate namin. Ni hindi kami nagdalawang salita. You readily accepted it, believing in the purpose, believing in the objective that we have — which is to maintain our presence and for us to continue serving the Filipino audience. For that, truly, truly, truly I am so grateful to you,” pahayag pa ni Olivia kay Toni.
Umaasa rin ang writer-producer na muling makatrabaho si Toni bilang actor-director, kung saan niya nabanggit ang pelikulangStarting Over Again na isa sa paboritong pelikula ng singer-actress hanggang ngayon.
“Happy, happy birthday Tin. I am sending you my heart that so full of love and gratitude for everything, everything — all the support that you have given ABS-CBN, that you have given ABS-CBN Films, Star Cinema, sobrang maraming, maraming salamat, anak. Thank you so much for staying on with us,” pagtatapos ng head ng ABS-CBN’s Creative Department.
-Stephanie Bernardino