CAMP OLA, Albay – Tatlong sundalo ang napatay at naiulat na sugatan naman ang isang kasamahan matapos na pagbabarilin ang sinasakyang motorsiklo nang pabalik na sila sa kanilang kampo sa Legazpi City sa nasabing lalawigan, kahapon ng umaga.

Sa report na natanggap ni Police Regional Office 5 (PRO-5) spokesperson Major Malu Calubaquib, dead on the spot sina Corporal Joemar Mancilla, Pfc. Ronald Luna at Pfc Reymar Badong, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakaligtas naman sa insidente ang kasamahan nilang si Sgt. Ferdinand Fernandez sa kabila ng mga tama ng bala sa katawan.

Naiulat na nakasibilyan ang mga ito at sakay ng motorsiklo pabalik n asana sa kanilang kampo nang biglang paulanan ng grupo ng kalalakihan sa Purok 2 Extension, Bgy. Banquerohan sa nasabing lungsod, dakong 8:30 ng umaga.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

“Initial investigation conducted disclosed that while the victims after coordination to Legazpi City Police Station (LCPS) for combat clearing operation while heading back towards their camp and while traversing along the road of Purok 2, Extension in Bgy. Banquerohan were fired upon by still unidentified suspect who were armed with high powered firearms that resulted to the death of the victims and wounding of one of thier comrade,” paliwanag ni Calubaquib.

Inaalam pa ng pulisya kung anong grupo ang responsable sa pamamaril.

-NIÑO N. LUCES