VATICAN CITY (AFP) — Parehong tumanggap sina ni Pope Francis at Pope Emeritus Benedict XVI, ng bakunang coronavirus, sinabi ng Vatican nitong Huwebes.

Pope Francis at Pope Emeritus Benedict XVI

Pope Francis at Pope Emeritus Benedict XVI

Ang Argentine pontiff, 84, ay dati nang nagsalita tungkol sa kahalagahan ng bakuna sa paglaban sa Covid-19, na pumigil sa kanyang sariling pag-ibig na makasaluha ang mga mananampalataya.

Sa ilalim ng programa ng pagbabakuna ng Vatican na inilunsad nitong Miyerkules, “the first dose of the Covid-19 vaccine has been administered to Pope Francis and the Pope Emeritus,” sinabi ni spokesman Matteo Bruni.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Naulat na na si Francis, 84, ay nakatanggap ng bakuba noong Miyerkules, ngunit tumanggi ang mga opisyal na kumpirmahin ang balita.

Sinabi ng portal ng Vatican News na si Benedict, 93, ay binigyan ng dosis noong Huwebes ng umaga.

Sa isang panayam na nai-broadcast sa katapusan ng linggo, hinimok ni Francis ang mga tao na kunin ang bakuna.

“There is a suicidal denial which I cannot explain, but today we have to get vaccinated,” sinabi niya sa Canale 5.

Sinabi ng Vatican noong Disyembre na ito ay “morally acceptable” para sa mga Katoliko.

Ang mga ulat sa media ay nagmungkahi na si Pope Francis ay tumanggap ng bakunang Pfizer-BioNtech, na pinahintulutan na gamitin sa European Union noong Disyembre 21.