“Very talented at hardworking ang very promising young Kapuso actress na si Pauline Mendoza.”

john at pauline

Ito ang paglalarawan ng actor na si John Estrada sa gumaganap bilang anak niya sa bagong GMA Afternoon Prime drama series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Sa marami na ring young talents na nakatrabaho ni John sa industriya, tumatak raw sa kanya ang husay sa pag-arte ni Pauline. Gumaganap si Pauline bilang si Iris ang anak niya sa serye.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Nag-post sa kanyang Instagram si John sa pagpuri kay Pauline. “Babawiin Ko Ang Lahat” is a father and daughter love story. Here with me is my daughter in the serye, no less than the very talented, very hard working @ paulinemendoza. So proud of you Pau, ang galing mo!”

Kaya naman labis din ang pasasalamat ni Pauline kay John at sa iba pa niyang co-stars sa suportang ibinibigay nila sa kaaya lalo na sa mga heavy scenes.

“Lahat ng eksena ko halos everyday na umiiyak. Challenging talaga kasi very heavy yung scenes namin. Pero siyempre with the help of veteran actors, thankful po ako talaga sa kanila dahil gina-guide nila ako.”

Ang nakakaantig sa pusong kuwento ng bagong Kapuso series na Babawiin Ko Ang Lahat ay mapapanood na sa Pebrero sa GMA-7.

-NORA V. CALDERON