Pinagtibay ng House Committee on Basic Education sa pamumuno ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang isang resolusyon na nagdedeklara sa Hunyo 12 ng bawat taon bilang “Philippine Traditional Wear Day”.

Inakda ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez ang House Resolution 1374, na naglalayong isulong ang kaalaman hinggil sa Filipino culture sa Independence Day.

Isinasaad sa HR 1374 na ang pagsusuot ng Filipino traditional clothing ay isang porma ng “cultural soft power, a non-coercive influence mechanism that could be used to support cultural heritage and further reinforce the sense of nationalism among Filipinos, especially among the younger generation.”

“There is a newfound enthusiasm to discover and deeply immerse in one’s cultural roots by today’s youth population, in the Philippines and abroad,” saad ng HR 1374.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon kay Torres-Gomez, sa pagsusulong sa interes at pagpapahalaga sa Filipino traditional culture, makalilikha ito ng pagnanais ng mga mamamayan sa lahat ng dako ng mundo, kabilang ang Pilipinas, na bumili ng Filipino cultural products.

-Bert de Guzman