Binigyan kahapon ng Department of Tourism (DOT) ng dalawang linggong palugit na umapela ang sinuspindeng hotel na pinagdausan ng year end party ng grupo ng namatay na flight attendant na si Christine Angelica Dacera sa Makati City.

Ipinataw ng DOT ang anim na buwang suspensiyon sa City Garden Grand Hotel dahil sa pagtanggap ng mga ‘guest for leisure’ sa kabila ng pagiging quarantrine facility sa ginawang pagbawi sa Certificate of Authority to Operate.

Paliwanag ng DOT, mayroong ‘misrepresentation’ sa publiko ang hotel sa ginagawang pagpayag nitong tumanggap ng “guests for leisure o staycation.”

Nag-ugat ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na kaso ni Dacera dahil sa kaduda-dudang pagkamatay nito sa isang silid ng nasabing hotel matapos ang New Year’s party nitong Enero 1.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Sa nakuha umanong mga ebidensiya ng DOT na bago at matapos ang insidente, tumatanggap ang nasabing hotel ng mga guest para sa pag-aaliw.

“The pieces of evidence showed that even prior to the incident and until now, the CGGH is marketing packages to accept leisure guests and never indicated that it is a quarantine hotel,” ayon sa DOT.

Maliban sa pagbawi ng Certificate of Authority to Operate at pagsuspinde sa operasyon,pinagmumulta rin ng DOT ang hotel P10,000.

-Bella Gamotea