GENEVA (AFP) - Ang paglilipat sa home-working na sanhi ng coronavirus pandemic ay mukhang magiging pangmatagalang, kaya mahalaga na maprotektahan ang mga karapatan ng mga empleyado at maiwasan ang mga malalabong linya sa pagitan ng on-the-clock hours at personal na oras, sinabi ng United Nations nitong Miyerkules.
Ang mga isyung kinakaharap ng mga manggagawa sa bahay at kanilang mga employer ay nangangailangan ng higit na pansin, kabilang ang mas mahusay na safeguards at higit na kamalayan sa mga karapatan at panganib na kasangkot, sinabi ng International Labor Organization ng UN sa isang ulat.
“When the world was brutally hit by the Covid-19 pandemic, wide swathes of the world’s workers turned almost overnight to home work as a way of protecting both their jobs and their lives,” sinabi ng ahensiya.
“There is no doubt that home work is likely to take on greater importance in the years to come.
“It is thus time for governments... to ensure that all home workers -- whether they are weaving rattan in Indonesia, making shea butter in Ghana, tagging photos in Egypt, sewing masks in Uruguay, or teleworking in France -- move from invisibility to decent work.”
260-M home workers bago ang
Tinantya ng ILO na noong 2019, mayroong humigit-kumulang 260 milyong home-based workers sa buong mundo, na kumakatawan sa 7.9 porsyento ng pandaigdigang trabaho.
Sa mga unang buwan ng pandemya noong 2020, umabot sa tinatayang isa sa limang manggagawa, sinabi ng ILO.
Sa mga bansang low-at middle-income, karamihan sa home-based workers ay own-account workers, ngunit sa high-income na mga bansa, ang mga empleyado ang pinakamalaking grupo.
Karamihan sa home-based workers ay mga kababaihan. Ayon sa pagtatantya ng ILO, 147 milyong kababaihan at 113 milyong kalalakihan ang nag-work from home noong 2019.
Sinabi ng 279-pahinang ulat na ang paglago ng pagtatrabaho mula sa bahay noong 2020 ay nagbago ng pangangailangan ng madaliang pangangailangan upang tugunan ang mga isyu na kinakaharap ng home workers at kanilang mga employers.
“For teleworkers, the main concern is the blurring between working time and personal and family time,” saad sa ulat.
Dapat ibigay ang pantay na pagtrato sa home workers at mga katulad na empleyado na nagtatrabaho sa mga lugar ng kumpanya, sinabi nito.
“Given the potential risks of social isolation, it is necessary to develop specific actions that mitigate psychosocial risks,” dagdag sa ulat.
“The introduction of a ‘right to disconnect’ is an important policy measure to limit working time and ensure respect for the boundaries between work life and private life.”
Parusa sa kita
Sinabi ng ulat na ang pinakamalaking pakinabang sa pagtatrabaho mula sa bahay ay ang flexibility o kakayahang umangkop sa oras, at kahit na ang mga oras ng mga manggagawa sa bahay ay mas hindi tiyak na ginagawa nila ang mga mas maiikling araw sa average.
“The provision of quality childcare is important for all home workers, boosting their productivity and supporting the work-family balance, and, for industrial home workers, potentially helping to break the cycle of poverty,” sinabi ng ILO.
Gayunman, sinabi ng ILO na ang “home work penalty” sa kita ay maliwanag sa halos lahat ng mga bansa, ayon sa pre-pandemic figures.
Halimbawa, ang home workers ay sumahod ng 13 porsyento na mas mababa kaysa sa non-home workers sa Britain, 22 porsyento na mas mababa sa United States, 25 porsyento na mas mababa sa South Africa at halos kalahati ng karamihan sa India, Mexico at Argentina.
Ang mga manggagawa sa bahay ay nagtatamasa ng mas kaunting proteksyon sa lipunan, nakaharap sa mas malaking panganib sa kalusugan at kaligtasan at may kaunting pag-access sa pagsasanay, na maaaring makaapekto sa mga prospect ng karera, sinabi ng ulat.
“Home working is often poorly regulated and compliance with existing laws remains a challenge.”
Kasama sa ulat ang mga rekomendasyon upang gawing mas nakikita ang pagtatrabaho sa bahay at sa gayon ay mas mahusay na napoprotektahan.
“Ensuring effective freedom of association and the right to collective bargaining would be of great consequence for all home workers,” ayon dito.