SAN FRANCISCO (AP) – Nagsalansan si Nikola Jokic ng triple-double para maisalba ang Denver Nuggets laban sa Golden State Warriors, 114-104, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Hataw si Jokic sa naiskor na 23 puntos, 14 rebounds, 10 assists at may tatlong steals para pangunahan ang Nuggets sa panalo at maisalba ang mainit na 35 ponts explosion ni Stephen Curry.
PACERS 111, BLAZERS 87
Sa Portland, pinalamig ng Indiana Pacers, sa pangunguna ni Domantas Sabonis na may 23 puntos at 15 rebounds, ang Trail Blazers.
Nag-ambag si Malcolm Brogdon ng 25 puntos at pitong assists para makaungos ang Pacers sa 4-1 sa road game ngayong season at tuldukan ang 11-game losing streak sa Portland.
ROCKETS 109, SPURS 105
Sa San Antonio, panalo ang unang sabak ng Houston Rockets matapos mai-trade si one-time MVP at leading scorer James Harden, nang malagpasan ang Spurs.
Nagsalansan si Christian Wood ng 27 puntos at 15 rebounds para pangunahan ang Rockets. Nag-ambag si Sterling Brown, pumalit sa puwesto ni Harden sa starting lineup, ng 23 puntos, pitong rebounds at tatlong assists.
Nanguna si forward Keldon Johnson sa Spurs sa career-high 29 puntos at tumipa si Lonnie Walker IV ng 16 puntos.
RAPTORS 111, HORNETS 108
Sa Tampa, ginapi ng Toronto Raptors, sa pangunguna ni Chris Boucher na may 25 puntos at 10 rebounds, ang Charlotte Hornets.
Kumana si Kyle Lowry ng 16 puntos at 12 assists, habang hataw si Pascal Siakam ng 15 puntos at pitong rebounds as Toronto para tuldukan ang two-game skid at umangat sa 3-8.
Nanguna si Terry Rozier sa Hornets na may 22 puntos, habang nag-ambag sina P.J. Washington ng 20 puntos at 11 rebounds at LaMelo Ball ng 14 puntos at 11 assists.
Sa iba pang laro, tinalo ng Philadelphia, sa pangunguna ni Shake Milton na may 31 puntos, ang Miami Heat.