MARAMING negosyante na nagtutulak kay San Miguel Corporation (SMC) chairman Ramon S. Ang, na mas kilala bilang RSA, ang napangisi sa tinuran ng kanilang LODI na mas gugustuhing nitong maging barangay chairman na lang kaysa tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2022 election.

“About politics, I will run for barangay captain when I’m 85 years old,” sabi ni RSA, kasunod nang pagmamalaki niya -- sa kapwa pangunahing mangangalakal sa bansa -- sa mga proyektong inilunsad ng SMC na pakikinabangan ng sambayanang Pilipino. Ipinaramdam niya sa mga ito na tulong ang gusto niyang iparating sa ating mga kababayan sa gitna ng matinding pangangailangan, lalo na ngayong pandemya -- hindi ang pagpasok sa pulitika!

Pinagdiinan ni RSA na todo ang suporta ng SMC sa ang anumang proyekto na magpapaluwag sa buong Metro Manila. “We support all the plans of the government to decongest Metro Manila,” ani RSA.

Gaya nitong Skyway 3, ang kalsadang nasa itaas ng lumang kalsada o highway sa ibaba, mula sa Buendia Avenue sa Makati City, galing sa South Luzon Expressway (SLEX) patungo sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Balintawak, Quezon City. Ipinagdugtong nito ang biyahe mula sa at SLEX at NLEX (vice versa), na may distansiyang 18.83 kilometro. Tinatayang ang dating biyahe rito na inaabot ng mahigit dalawang oras – dahil sa tindi ng trapik -- ay papatak na lamang sa 15 hanggang 20 minuto.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa tantiya ni RSA, kapag ang Skyway 3 ay lubos na mabuksan, may 200,000 sasakyan ang daraan dito araw-araw, na magpapababa ng 50 porsiyento sa daloy ng trapiko sa EDSA. Paliwanang ni RSA: “EDSA is 400,000 cars a day. Pag nabuksan ‘to end of January, siguro masasanay na tao rito. Siguro February 200,000 cars na rito. So pag 200,000 cars a day dumaan dito ang EDSA wala na masyadong traffic.”

Nang buksan ang “four lanes” nito bago ang Kapaskuhan, maraming biyahero ang natuwa dahil sa biglang bilis ng kanilang biyahe mula sa magkabilang dulo ng NLEX at SLEX. May ilang opisyal ng pamahalaan na hindi nakatiis na purihin ang proyekto at pasalamatan pa mismo si RSA sa kanilang social media account.

Si dating Senador JV Ejercito ay nag-tweet: “First time to try Skyway stage 3 all I can say is Wow! This will definitely improve traffic in the Metro specially EDSA. Took me less than 30 minutes from Alabang entry up to off ramp in Quezon Avenue. Thank God RSA who has vision.”

Si Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya nag-shoutout sa kanyang Facebook account: “What a breeze! BF Homes Paranaque to DILG Central Office, Quezon Avenue corner EDSA took only 45 minutes!!! I entered Skyway at Sucat and exited at Quezon Avenue. Only 4 lanes out of 7 were open and some construction was still on-going but the ride was smooth.”

Ang Valenzuela City ay siguradong makikinabang ng husto sa Skyway 3 kaya naman todo ang papuri rito ni Mayor Rex Gatchalian: “Valenzuela is the ultimate beneficiary of this. Suddenly, the northernmost city of NCR won’t be so far from the rest of NCR. I’m sure real estate values in the city will go up and more investments will come in.”

Ang isa pang ipinagmamalaki ni RSA ay ang Bulacan International Airport: “Pag nagawa pa natin yung Bulacan airport karamihan ng mga taong bayan lilipat na dun at wala ka nang makikitang squatters dahil dun murang-mura ang lupa, low cost housing , murang-murang, affordable,” ani RSA.

Ngayong araw ng Huwebes, Enero 14, 2021 – na siya ring birthday ni RSA -- ay bubuksan na sa publiko ang lahat ng 7 lanes ng Skyway 3 at inaasahang dadagsain ito ng mga motoristang matagal nang sabik makatikim na umarangkada sa mga kalsada sa Metro Manila.

Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]