Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft na kinakaharap ni dating Senator Gregorio “Gringo” Honasan II at ng pitong kasmahang akusado kaugnay ng maling paggamit ng kanyang P29.1 milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong 2012.
Sa desisyon ng 2nd Division ng anti-graft court, mahina ang iniharap na ebidensya ng prosekusyon laban sa dating senador.
Nagresulta ang pagbasura sa kaso nang payagan ng hukuman ang inihain ni Honasan at ng pito pang akusado na demurrer to evidence bilang pagtutol ng mga ito sa mahinang ebidensyang iniharap ng prosecution panel.
Nauna nang kinasuhan si Honasan ng two counts ng graft, kasama sina Political Affairs and Project Coordinator Chief Michael Benjamin, National Council of Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Mehol Sadain, Acting Chief Accountant Fedelina Aldanese, Director III Galay Makalinggan, Acting Chief Aurora Aragon-Mabang, and Cashier Olga Galido, gayundin ang mga pribadong indibidwal mula sa Focus Development Goals foundation, Inc. na sina Giovanni Manuel Gaerlan at Salvador Gaerlan.
Isinagawa ang pagsasampa ng kaso kaugnay pagpapalabas ni senador ng PDAF sa NCMF noonbg Abril 2012 bilang tulong sa small and medium-scale livelihood projects ng mga Muslim na Pinoy sa National Capital Region (NCR) at Zambales.
Inindorso ni Honasan ang Focus bilang implementing non-government organization (NGO).
Gayunman, natuklasan ng Ombudsman investigators na inindorso ang nasabing NGO sa kabila ng hindi pagsunod sa procurement regulations ng pamahalaan.
-Czarina Nicole Ong-Ki