POSIBLENG maikakasa ang naudlot na laban nina four-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire at reigning World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nordine Oubaali ngayong taon.
Sinabi ng World Boxing Council (WBC) na inaaayos lamang ang mga aspeto sa health isyu bago payagan ang laban nina Donaire at Oubaali na orihinal na nakatakda nitong Disyembre.
Naunsiyam ang laban matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sina Donaire at Oubaali.
“The WBC will continue to monitor Champion Oubaali’s and Nonito Donaire’s condition with views of determining when they will be medically cleared and fit to return to the ring,” ayon sa WBC.
Kung ma-clear na ang medical records nina Donaire at Oubaali, inaasahang mabibigyan na agad ng eksaktong petsa ang laban upang makapaghanda na ang dalawang fighters.
“Based on the availabi¬lity and medical clearance of the WBC World Champion, WBC Interim Champion and Nonito Donaire, the WBC will reassess the overall situation of the division and will issue a more definitive order (later this month),” ayon pa sa pahayag ng WBC.