Ipinagtanggol ng Malacañang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapahuli siya na magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagpapahuli ni Duterte na magpabakuna ay dahil nais muna nitong mauna ang mga dukha na walang kapasidad na magbayad.

“Hindi pa po iyan sigurado. Sinabi po niya iyan dahil ang mensahe niya… dapat mauna talaga ang mga dukha, ang mga mahihirap na mabigyan ng proteksyon and to emphasized that point, ang sabi nga niya, tayong mga nasa Gabinete… huli na tayo,” pahayag ni Roque.

Sa kabila nito, ayon kay Roque, kung makatutulong sa pagpapataas ng kumpiyansa ng publiko ang pagpapabakuna ng Pangulo ay posible namang mauna na siya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Pero, kung talagang kinakailangan na mauna ang Presidente para magkaroon ng kumpiyansa ang taumbayan, hindi ko naman po sinasabing imposible na mangyayari pa rin po iyon,” ayon pa kay Roque.

Sa public address ni Pangulong Duterte, noong Miyerkoles ng gabi, sinabi nito na prayoridad pa rin ang frontliners at mga essential workers sa bansa.