Gustoko ang pagbabasa ng mga survey, at hindi lamang ang patungkol sa politika at eleksyon. Nagugustuhan ko ang pagbabasa ng public opinion polls dahil, kung nagawa ito ng tama at gamit ang siyentipikong hakbang, ipinakikita nito ang pananaw at nararamdaman ng ating mga kababayan sa partikular na panahon.
Mula sa punto de bista ng demokratikong pamamahala, walang dudang mahalaga ang mga survey para sa mga opisyal dahil nagbibigay ito ng pagkakataon na mabasa ang pulso ng publiko na maaaring makaapekto sa pagdedesisyon sa polisiya. Ngunit kahit ang isa ay wala sa pamahalaan, nakatutuwang mabasa kung ano ang pananaw ng mga tao sa isang partikular na isyu. Isa itong mahalagang hakbang upang mabatid ang iniisip at nararamdaman ng tao sa halip na umasa sa mga haka-haka at espekulasyon.
Kamakailan, nabasa ko ang ilang public opinion survey, lokal at pandaigdigan, hinggil sa coronavirus na sa palagay ko’y mahalagang maunawaan at pagtuunan. Iniulat ng Pulse Asia Research, Inc., ang resulta sa COVID-19 mula Nobyembre 2020 Ulat ng Bayan national survey na isinagawa noong Nobyembre 23-Disyembre 2, gamit ang face-to-face na panayam, at may sample na 2,400 representative adults na nasa 18-anyos pataas.
Lumalabas dito na malaking 94 porsiyento ng mga Pilipino ang nangangamba sa pagkakaroon ng COVID-10. Kinumpirma ito ng Social Weather Stations’ national Social Weather Survey ng Nobyembre 21-25, 2020, na natuklasan na 91% ng mga Pilipino ang nangangamba (binubuo ng 77% na worried a great deal at 14% somewhat worried) na ang kanilang kapamilya ay maaaring mahawa ng COVID-19. Ayon sa SWS, nahigitan ng Nobyembre 2020 survey, ang naunang record na 87% (73% worried a great deal, 14% somewhat worried) noong Mayo 2020, nang unang isagawa ang SWS survey.
Nangangahulugan ito na sa kabila ng kritismo mula sa ilang sektor na binabalewala ng mga Pilipino ang panganib ng virus sa pagsuway nila sa safety guidelines, sa katotohanan ay batid ng ating mga kababayan ang panganib na dala ng paghawa ng virus. Ngunit bakit tayo nakakakita ng mga tao na lumalabag sa protocols?
Sa kaparehong Pulse Asia survey iniulat na bilang resulta ng COVID-19 pandemic, 58% ang nawalan ng kanilang trabaho o pinagkakakitaan habang 51% ang nakaranas ng emotional problems. Dagdag pa rito, malaking bilang ng mga adult na Pilipino (44%) ang nagsabing nabawasan ang kanilang sahod o kita dulot ng pandemya. Lumalabas baa ng mga tao ng kanilang bahay para lamang labagin ang panuntunan? O dahil kailangan nilang pumasok sa trabaho at protektahan ang kanilang kabuhayan? O dahil kailangan nila ng kaunting pahiga upang magkaroon ng kaunting normalidad pabalik sa kanilang buhay.
Sa palagay ko’y kailangan din natin pagtuunan ang emosyonal na epekto ng virus sa ating mga kababayan. Dahil sa pagkakulong sa tahanan sa mahabang panahon—ilan ang nag-iisa—na may kaunting social contact, maaaring makaepekto ito isipan ng tao.
Marami sa ating mga kababayan ang tiyak na mananatili sa tahanan kung may kakayahan sila. Maaaring isailalim ang ating bansa sa mas mahabang lockdown kung makakaya nating isara ang lahat para sa mahabang panahon. Sa kasamang-palad, hindi natin ito kayang gawin. Hindi ipinakikita ng bilang ang hindi pagsunod ng tao sa panuntunan ngunit nagbibigay ito ng mas maayos na pag-unawa kung bakit kailangan itong gawin ng mga tao.
Ang katotohana’y mayorya ng mga Pilipino ang sumusunod sa safety protocols. Ayon sa Pulse Asia karamihan ng mga Filipino adults ay regular na naghuhugas ng kanilang kamay (71%), gumagamit ng face masks (66%), nananatili sa bahay maliban na lamang kung kinakailangang lumabas(32%), at sumusunod sa social distancing (30%).
Interesante ring makita ang opinyon hinggil sa bakuna. Ilang bakuna ang naaprubahan na globally at inanunsiyo na rin ng gobyerno sa Pilipinas na isinasapinal na nito ang ilang kasunduan sa bakuna na ibibigay sa mga Pilipino. Ngunit nais ba ng mga Pilipino na mabakunahan? Ipinakikita ng survey ang magandang pananaw.
(Itutuloy)
-Manny Villar