ABA at dalang-dala sa isang eksena ang dating Kapuso actress na si Kris Bernal na ngayon nga ay isang freelancer, meaning kahit saang istasyon ay puwede siyang makita. Nakapost sa kanyang Instagram ang video na umaagos ang luha ni Kris na punas doon at punas dito habang pinapanood ang sarili sa kanyang drama series na Ate ng Ate Ko ng TV5.

kris

Sambit ni Kris, “I always cry when I see myself crying on TV. Sometimes, I find it weird too. I must admit some roles stick with me longer or deeper than others. When I put myself into it, the more it means to me, the more it remains.

“I start living the character even off the camera. And, once the show is over, it takes time to withdraw from the character and comeback into my original self. As a method actor, it does get difficult for me to disconnect from a character especially if portrayed for a longtime.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Kalimitan nga naman sa mga artista dala dala pa rin ang character after ng take maging sa pag-uwi ng bahay. Well ganoon talaga kapag ang celebrity ay seryoso sa kanyang craft.

Pag-uusisa ng isang netizen sa tagal na raw ni Kris na nagdadrama bakit daw ngayon lang ito naiyak ng ganoon. Pagsisiwalat ni Kris lagi raw pala siya umiiyak kapag napapanood ang sarili sa TV sa mga umaatikabong dramang eksena sa kanyang mga teleserye.

Infairness kay Kris ang sipag niyang sagutin sa Instagram ang mga komento at katanungan ng mga netizens na may kaakibat ng pagpapasalamat habang siya ay pinupuri ng mga ito. May naglakas ng loob pa ngang nagtanong kay Kris kung bakit daw siya lumipat sa TV5. Tugon naman niya, “I work as a freelancer so I can have projects with them.” Yun na!

-DANTE A. LAGANA