GENEVA (AFP) — Sa kabila ng mga bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na inilunsad sa maraming mga bansa, nagbabala ang World Health Organization (WHO) nitong Lunes na hindi makakamit ang herd immunity ngayong taon.

Ang pandemya ay nahawahan ang higit sa 90 milyong katao at ang bilang ng mga namatay ay lagpas 1.94 milyon na mula nang kumpirmahin ng China ang unang pagkamatay sa gitnang lungsod ng Wuhan isang taon na ang nakalilipas.

Nagbabala si WHO’s chief scientist Soumya Swaminathan nitong Lunes na matagal ang aabutin bago makagawa at makapagturok ng sapat na mga dosis ng bakuna upang mapahinto ang pagkalat ng virus.

“We are not going to achieve any levels of population immunity or herd immunity in 2021,” sinabi niya, binibigyang diin ang pangangailangang mapanatili ang pisikal na distansiya, paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng mask upang marendahan ang pandemya.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'