BUKAS ang Professional Chess Association (PCAP) sa mga dekalidad na foreign players para higit na mapataas ang antas ng kompetisyon at matulungan ang Pinoy players na makakuha nan gmas mataas na puntos sa world rating.
Ayon kay PCAP Commissioner Atty. Paul Elauria, bukod sa All-Filipino Conference na magsisimula sa Enero 16 via online, ilalarga din nila ang Reinforced Conference at Open Championship kung saan lalahukan ng apat na foreign guest teams.
“It is possible our homegrown teams will take on some teams from China, Russia, and other countries. This will raise the stakes of the competition,” pahayag ni Elauria sa ginanap na virtual media conference ng Palawan Queen’s Gambit squad nitong Lunes.
“I’m very sure, we can learn a lot as well,” aniya.
Ang Palawan Queen’s Gambit – tanging koponan sa liga na puro babae ang miyembro -- ang isa sa 24 na koponan na lalahok sa All-Filipino Conference ng PCAP.
Ayon kay Elauria, hahatiin sa dalawang grupo (12) ang mga kalahok para sa Northern Division at Southern Division.
“All the Northern Conference teams will have a double round robin; Southern Conference teams double round robin also among themselves. And then we have inter-division games na single round robin,” ayon kay Elauria.
“The Top 8 of each division will enter the knockout phase. The champion of the North will face the champion of the South Division in the grand finals,” aniya.