ABOT-KAMAY na ni reigning Asian Games at SEA Games skateboarding champion Margie Didal ang minimithing slot para sa Tokyo Olympics sa Agosto.

“Ang hangarin ko ay ma-qualify at makasali sa Olympics. I’m not promising I will win a medal but I will give my best to achieve it,” ayon sa 21-anyos na Cebuana na patuloy sa pagsasanay sa Cebu City.

May 20 qualifiers ang papayagan sa bawat event --men’s park and street at women’s park and street -- sa skateboarding event sa Tokyo.

Sa kasalukuyan, kabilang si Didal Top 16 sa women’s street event at kailangang mapanatili niya o mahigitan pa ang ranking sa paglahok sa nalalabing qualifying meet.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Samantala, sinabi ni Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), na ihahayag niya ang magiging chef de mission sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa idaraos na executive board meeting ngayon.

Ito ang kauna-unahang POC executive meeting sapul nang siya at ang mga miyembro ng lupon ay nahalal nitong Nobyembre 2020.

Hindi bumanggit si Tolentino ng sino mang kandidato sa posisyon ng chef de mission sa Hanoi Sea games. Ayon sa kanya, maaari ding ihayag niya ang chef de mission sa Asian Indoor Martial Arts Games at sa Asian Beach Games.

-Bert de Guzman