Lumabas sa forensic investigation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang presensiya ng posibleng alcohol o illegal drugs intake sa katawan ni Christine Dacera na namatay sa isang hotel sa Makati City, at kaagad pinadalhan ng subpoena kahapon ang mga natukoy na mga suspek.

Iniulat ng NBI, kahit dalawang beses nang na-autopsy ang bangkay ng biktima ay meron pang nakuhang 100 mililiters ng bodily fluids sa katawan ng flight attendant sa isinagawang pangalawang autopsy sa GenSan.

Dahil dito ay positibong natukoy ng NBI kung ano ang mga ininom ng 23-anyos na si Dacera bago siya namatay.

Ang mga likido at organs ni Dacera ay isinalang na DNA test.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Inihayag ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, na pinadalhan na ng subpoena ang mga pangunahing suspek sa krimen at tiwalang magkakaroon ng resulta ang imbestigasyon sa sunod na mga araw.

Pati mga biological samples mula sa hotel ay sinuri na rin ng NBI.

Hinintay na ng NBI ang resulta ng tests na isinagawa ng Makati Medical Center sa katawan ni Dacera na agad idineklarang dead on arrival.

Kamakalawa ay ipinatawag ng NBI ang mga nakasama sa hotel ni Dacera bago ito namatay.

Inimbitahan din ng NBI ang mga naka-check in sa kabilang hotel rooms noong naganap ang insidente para magbigay ng kanilang mga testimonya.

Agad silang makikilala dahil nasuri na rin ng NBI ang CCTV footages sa hotel partikular sa reception, entrance, lobby, coridor, sa loob at labas ng elevator.

-Jun Fabon