MAAARING maprotektahan ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer, Inc. at BioNTech SE ang isang tao laban sa bagong variant ng coronavirus mula sa UK at South Africa, na sinasabing mas mabilis makahawa, ayon sa isang pag-aaral.

Nakatuon ang pag-aaral ng mga mananaliksik ng University of Texas Medical Branch na suportado ng mga kumpanya, ang crucial N501Y mutation sa spike protein ng virus na kapwa karaniwan sa dalawang variant.

Nagawang ma-neutralise ng antibodies na nasa dugo ng taong nabakunahan ang lab-created version of the mutant virus.

Bagamat isang early data, mahalagang senyales ang resulta na nagpapatunay na ang bakuna ay may kakayahang makaapekto laban sa mga bagong variant, na isang malaking problema para sa mga awtoridad na patuloy na nagkukumahog upang mabigilan ang bugso ng bagong impeksyon sa kabila ng pagsisimula ng vaccination sa daang-libong tao.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kapwa lumalabas na higit na nakahahawa ang strains na umusbong sa UK at South African kumpara sa naunang mutations.

Sinuri sa pag-aaral ang tugon sa mutant viruses sa blood samples na kinuha sa 20 katao na nakatanggap ng dalawang nabanggit na mRNA vaccine bilang bahagi ng nakaraang clinical trial.

Hindi naman tumutok ang pag-aaral sa iba pang mutations sa spike protein. Ngunit, malaki ang nagawa ng antibodies mula sa mga nabakunahang tao sa paglaban sa mutant virus tulad ng ginawa nito sa non-mutant version.

“This is clearly a positive, but there are important caveats to add,” pagbabahagi ni Adam Barker, London-based analyst ng Shore Capital Group, Ltd., sa isang pahayag. Tinutugunan lamang ng pag-aaral ang isang mutation at hindi ipinakikita kung may kakayahan nga ang bakuna na maiwasan ang pagka-impeksyon ng tao sa bagong variant, aniya.

“That being said, the working assumption remains that vaccines will be at least partly effective against the novel variants.”

Consistent din ang findings ng pag-aaral sa resulta sa tests sa 15 iba pang mutations na natuklasan sa SARS-CoV-2 strains, ayon sa researchers.

“We are encouraged by the early findings,” tweet ni Pfizer Chief Executive Officer Albert Bourla.

Una nang nagpahayag ng kumpiyansa ang executives ng BioNTech —gayundin ang mula sa Moderna, Inc., ang developer ng karibal na mRNA shot — na kayang maprotektahan ng kanilang bakuna ang bagong variant.

Isa ang pag-aaral ng University of Texas study sa nagpatunay ng pahayag na ito. Inilabas ang resulta sa bioRxiv preprint server nitong Biyernes, bago ang peer review.

Nabuo rin ang pananaliksik sa gitna ng pagtuloy na pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo sa malaking bilang ng impeksyon, na ipinapalagay na pinalala ng bagong strain, at sa kabila ng pagsisimula ng vaccines roll out sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang UK variant, na nadetekta sa bahagi ng US gayundin sa ilang bansa sa South Korea hanggang Canada, ay ipinalalagay na 57% hanggang 70% mas nakahahawa kumpara sa ibang strain ng virus.

Maaaring magbago ang virus sa pamamagitan ng mutations na natural na nangyayari habang nagre-replicate at kumakalat sa kanilang hosts. Ilang virus, tulad ng like influenza, ang mabilus na nagbabago na may libu-libong mutation at ‘distinct lineages,’ habang ang iba ay mas stable.

-Bloomberg