CHARLOTTE, N.C. (AP) — Naitala sa kasaysayan ng NBA si rookie LaMelo Ball nang tanghaling pinakabatang player sa edad na 19 na makapagtala ng triple-double – 22 puntos, 12 rebounds at 11 assists – sa impresibong panalo ng Charlotte Hornets kontra Atlanta Hawks, 113-105, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nasungkit ng Hornets at ika-apat na sunod na panalo at pinalitan ni Ball sa record si Markelle Fultz nang 177 days.

Naisalpak ni Ball, third overall pick sa NBA draft, ang 9 of 13 sa field para maging ikalimang rookie sa kasaysayan ng NBA na nakapagtala ng triple-double at kauna-unahang Hornets player na nakagawa ng karangalan.

MAVS 112, MAGIC 98

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa Dallas, nangibabaw ang kulang sa player na Maverics, sa pangunguna nina Tim Hardaway Jr. na may season-high 36 puntos, Trey Burke na may season-high 29 puntos at Luka Doncic na kumana ng triple-double, laban sa Orlando Magic.

Hindi pinaglaro sa Mavs sina starters Josh Richardson at Dorian Finney-Smith at backup point guard Jalen Brunson bunsod ng COVID-19 protocols.

SPURS 125, WOLVES 122 (OT)

Sa Minneapolis, ginapi ng San Antonio Spurs, sa pangunguna ni DeMar DeRozan na may 38 puntos, ang Minnesota Timberwolves sa overtime.

Kumonekta si DeRozan ng 13 for 23, tampok ang 12 of 13 sa free throw para sandigan ang Spurs sa ikatlong sunod na panalo. Nag-ambag sina Dejounte Murray (22 points) at Patty Mills (21 points).

Sa iba pang laro, kinaldag ng Milwaukee Bucks ang Cleveland Cavaliers, 100-90; dinaig ng Miami Heat ang Washington Wizards, 128-124; tinalo ng Phoenix Suns ang Indiana Pacers, 125-117.