CAPTION ng talent manager na si Leo Dominguez sa photo nila nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez, at Deo Edrinal sa kanilang dinner ay “Thank you @montie08 for the Congratulatory dinner for @pauavelino and @janinegutierrez.”
Ito’y dahil nanalong best actor si Paulo sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Fan Girl at sunud-sunod din ang pananalong best actress ni Janine for the movie Babae at Baril. Si Leo ang manager nina Janine at Paulo.
Ang paniwala ng marami, malapit na ang pagpirma ni Janine ng kontrata sa ABS-CBN dahil ang sabi, this January na siya pipirma ng kontrata. Lilipat sa Kapamilya Network ang aktres pagkatapos hindi i-renew ng GMA Artist Center ang kanyang kontrata.
Dahil si Deo ang ka-dinner nina Janine, malamang daw na sa Dreamscape Entertainment unit gagawa ng drama series si Janine. Posible ring makatambal niya si Paulo na madalas, ang Dreamscape ang nagbibigay ng project.
Nalulungkot naman ang fans nina Janine at Rayver Cruz dahil hindi pa nga nagtatambal ang dalawa sa teleserye sa GMA-7, magkakahiwalay na. Sa pelikula na lang sila umaasa na baka magtambal din ang dalawa.
Nitz Miralles