Tinatayang aabot sa P2 milyong cocaine ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa General Santos City, kamakailan.

Sa ulat ng PDEA Region 12, matapos nilang makumpirma na may barkong dumaong sa pantalan ng lungsod at pinaghihinalaang may kargang iligal na droga nitong Disyembre ng nakaraang taon ay kaagad silang nakipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Customs (BoC), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) para sa isang pagsalakay kung saan nadiskubre sa isang container van ang naturang illegal drugs.

Naiulat na ang nasabing droga ay nagmula pa sa Spain at Brazil.

Hindi kinumpirma ng PDEA kung may naaresto sila sa nasabing pagsalakay.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

-Jun Fabon