PINAGHAHANDAAN na mga lokal na mananaliksik ang Phase 2 clinical trial para sa isang anti-dengue drug, na posibleng maging unang gamot para sa sakit.

“Wala pa pong accepted medicine for dengue. This will be the first anti-dengue medicine, if ever. First locally-made drug,” pagbabahagi ni Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) executive director Jaime Montoya sa Philippine News Agency (PNA) kamakailan.

Ang proyektong ito ay pinangungunahan ng mga mananaliksik mula Pharmalytics Corporation, katuwang ang De La Salle Medical and Health Sciences Institute, at pinondohan ng PCHRD, ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña.

Sa ngayon, aniya, nakapaglaan na ang PCHRD ng P4.69 million para sa Phase 1 clinical trial na isinagawa sa Gentri Medical Center and Hospital sa General Trias, Cavite. Natapos ito ng 2020

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa nasabing ospital din isasagawa ang Phase 2 clinical trial, na tatagal ng sampung buwan, habang nasa 600 ang inaasahang lalahok sa pag-aaral, dagdag pa ng DOST chief.

Ayon kay Montoya, tinukoy sa Phase 1 clinical trial ang maximum dose ng gamot na maaaring ibigay sa volunteers na hindi kakikitaan ng anumang malubhang epekto o dose-limiting toxicities.

“Compared to the Phase 1 clinical trial where safety among healthy subjects was evaluated, Phase 2 will focus on testing the drug on a much greater number of volunteers (approximately 600) to test both its safety and efficacy. The volunteers who will be recruited at this stage are dengue patients,” ani Montoya.

Sa Phase 2 sunusuri ang parametro kaugnay ng kabisaan ng gamot upang mapigilan ang paglala ng sakit ng dengue sa pamamagitan ng pagpapababa ng viral load, pagbabawas ng vascular leakage at pag-stimulate ng platelet formation, aniya.

Pagbabahagi pa ni Montoya nasa 18 participants ang kabilang sa Phase 1 clinical trial. “Initially, 78 were enrolled. Twenty-four were randomized, then 18 were included in the analysis.”

Nasa P18 million naman ang kinakailangan para sa 600 participants sa Phase 2 clinical trial.

Sa Phase 3 clinical trial, irerehistro ang anti-dengue capsule sa Food and Drug Administration (FDA) bago ito mailabas sa merkado.

Kasalukuyan nang pinaghahandaan ng DOST ang budget para sa Phase 2 clinical trial, ani de la Peña.

Dagdag pa niya, kapag natapos na ang Phase 3 clinical trial at naaprubahan ito ng FDA, at kung i-adopt ng Department of Health (DoH) ang teknolohiya, matutukoy kung maibibigay ng libre ang gamot.

“There is a need to evaluate the result of the upcoming Phase 2 clinical trial to ensure that the investment for Phase 3 is correct. The adoption of the technology would be dependent on the DOH or the private sector,” saad pa ng Kalihim.

Pagliwanag ni dela Peña, ang tungkulin ng DOST ay pondohan o suportahan ang mga pananaliksik na layong bumuo ng teknolohiya na tutugon sa problema ng bansa gamit ang agham.

Una nang sinuportahan ng ahensiya ang isang herbal supplement laban sa dengue, na inilabas sa merkado noong 2019.

Nai-develop ang herbal supplement sa pamamagitan ng loan ng Herbanext.

PNA