Nakatakdang makipagpulong ang Philippine Basketball Association (PBA) sa Games and Amusements Board (GAB) para himayin ang mga bagong patakaran batay sa inaprubahang supplemental guidelines sa Joint Agreement Order (JAO) ng Inter- Agency Task Force (IATF).

Nakatakdang simula ng PBA ang bagong season sa Enero 18.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, posible nilang isagawa ang “closed-circuit concept” na parehas ng ginawa nila bago idaos ang nakaraang 2020 Philippine Cup.

Ngunit, may balak din silang magkaroon ng ilang pagbabago upang matiyak na walang mahahawa o dadapuan ng coronavirus.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magkakaiba naman ng naging reaksiyon ang mga PBA coaches hinggil sa planong pagsisimula ng ensayo ng maaga.

Mayroong nangangamba sa maagang pagbabalik ensayo dahil kinakaharap ng bansa ang second wave ng virus outbreak ngayong Enero at katatapos lamang ng holiday seasons.

Mayroon namang sang-ayon na simulan na ang ensayo ng Enero 18 upang makapagsimula na silang magplano at maghanda.

-Marivic Awitan