Dumagsa pa rin ang mga deboto, na karamihan ay nakasuot ng dilaw at maroon na kamiseta, sa Quiapo Church sa Maynila upang dumalo sa Misa bilang parangal sa Itim na Nazareno nitong Sabado sa kabila ng pagbabanta na idinulot ng pandemyang coronavirus.
Nag-iskedyul ang Quiapo Church ng 15 Misa dahil ang tradisyunal na prusisyon ng traslacion ng sinasambang imahe ay nakansela ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19.
Ginugunita ng traslacion ang paglipat ng imahe ng Itim na Nazareno mula sa Luneta patungo sa Quiapo Church.
Napansin ni Archdiocese of Manila apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo ang bilang ng mga deboto na nagtungo sa Quiapo Church upang ipagdiwang ang araw ng kapistahan ng Nazareno.
“To you devotees, thank you...your faith is very touching,” wika niya.
Pinangunahan ng pari ang Fiesta Mass para sa Itim na Nazareno dakong 4:30 ng umaga na dinaluhan ng libu-libong mga deboto, kapwa sa loob at labas ng simbahan.
Ang mga dumalo sa Misa ay nagsusuot ng facemasks, faceshields at inobserba ang physical distancing bilang pagsunod sa mga protokol ng kalusugan.
Gayunpaman, ang ilang mga deboto ay dumalo sa Misa sa iba pang mga simbahan kung saan mayroong isang replika ng Itim na Nazareno tulad ng Sta. Cruz Church at San Sebastian Church.
Ang mga parokya sa Archdiocese of Manila ay nagdaos din ng fiesta Masses noong Sabado.
Isinalokal ang pagdiriwang ng Traslacion 2021 upang mabawasan ang dami ng mga tao sa Quiapo Church dahil sa pandemya.
Ang pista ng Nazareno ngayong taon, na may temang “Huwag Kang Matakot, si Hesus Ito,” ay inobserbahan sa may 14 o higit pang parokyasa buong bansa, sa pamamagitan ng mga banal na misa at motorcade.
Matatag na debosyon
Inihalintulad ni Bishop Pabillo sa isang magnet na patuloy na nakakaakit ng mga tao sa kabila ng COVID-19 pandemic ang debosyo sa Itim na Nazareno.
“Ang Itim na Nazareno ay isang pang-akit, isang napakalakas na pang-akit na umaakit sa mga tao sa Kanya,” sinabi niya sa Misa.
Idinagdag ni Pabillo:”We couldn’t go to Luneta (this year), there is no traslacion procession, yet the people continue to approach the Black Nazarene.”
Sinabi niya na ang coronavirus disease ay maaaring pumigil sa mga tao na gawin ang mga bagay na nakasanayan na nila, ngunit inilapit naman nito ang mga tao kay Jesus.
“Maraming nawalan ng trabaho, maraming nakakulong lamang sa ating mga bahay, ating mga barrio, mga barangay, ngunit alam natin nandiyan ang Diyos, nakikiisa sa atin,” ani Pabillo sa kaniyang homiliya.
Tanging 400 katao ang pinapayagang makapasok sa simbahan para makinig ng banal na misa habang ang mga hindi makakapasok ay maaaring makinig sa banal na misa sa pamamagitan ng 12 LED screens na nakalagay sa paligid ng simbahan.
Panalangin sa Poon
Ipinanalangin ng mga deboto ng Itim na Nazareno nitong Sabado ang pagtatapos ng pandemyang COVID-19.
Ibinahagi ng mga mananamoatay ang kanilang mga panalangin sa online sa Facebook Page ng Quiapo Church habang nagdiriwang ng Misa si Bishop Pabillo.
Kabilang sa mga panalangin na ipinadala sa online ay:
Susan Albanez: “Pray for our country, end the pandemic, and all the calamities, please heal our land.
Shay Pascual: “Have mercy on us Lord. Please end this COVID-19. Protect us, your people, Lord.”
Jennie Acuba: “Praying for healing for the whole world and end to this pandemic.”
Cynthia Coronejo: “Nuestro Padre Jesus Nazareno, please heal the world. Stop COVID-19 soonest. Amen.”
Ito rin ang dasal ni Quiapo Church Rector Monsignor Hernando Coronel.
“We pray for an end of the pandemic. We pray for a better 2021,” sinabi niya sa Archdiocese of Manila Office of Communications.
“And we thank the good Lord because there is a vaccine and especially that this vaccine be given to the poor so we can go back to our normal lives and recover our jobs, our livelihood, our economy and go back to reinforce the bond in the family and our relatives so we have missed our relations,” dagdag ni Coronel.
May 200 taon nang ipinagdiwang ang milagrosong itim na kahoy rebulto ni Hesukristo na dinaragsa ng milyong mga deboto sa bansa sa traslacion nito taun-taon.
Nakansela ngayong taon ang ilang mga tradisyonal na aktibidad sa Kapistahan ng Itim na Nazareno dahil sa COVID-19. Kabilang sa mga ito ay ang taunang prusisyon ng traslacion at ang pahalik o paghalik ng imahe.
-LESLIE ANN G. AQUINO, MARY ANN SANTIAGO at JUN FABON