TITIYAKIN ni Philippine Sports Commission (PSC) na mapapabilang ang mga miyembro ng national team sa priority list na mabibigyan COVID-19 vaccines.
Ayon kay Ramirez, nakausap na niya ang mga opisyal ng Inter-Agency Task Force (IATF), Department of Health (DOH) at World Health Organization (WBO) para sa kapakanan ng mga atleta.
Nakatakdang sumabak sa iba;t ibang Olympic qualifying ang atletang Pinot bukod pa sa nakatakdang Tokyo Olympics at SEA Games sa Vietnam.
“Ang ating mga atleta ay mapapabilang din sa frontliner dahil sila ang ating pag-asa sa international competition. Napakahalaga nito sa kanila at kung mapapayagan pati sana sa pmailya nila,” sambit ni Ramirez.
Matapos mahinto ang kanilang ensayo dahil sa pagputok ng COVID- 19 pandemic nitong Marso, pinayagan ng IATF ang pagbabalik-ensayo ng mga national athletes na kabilang sa Olympic qualifying sa loob ng ‘bubble’.
Sisimulan ng PSC ang ‘bubble’ training ng mga national boxers, taekwondo at karatekas sa Enero 16 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.