CAGAYAN – Inihayag kahapon ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) na sinusuri na ang specimen ng 10 na kaanak ng isang domestic helper sa Hong Kong na mahawaan ng bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), kamakailan.

Ito ang kinumpirma ng CPIO batay na rin sa natanggap na impormasyon mula kay Cagayan Provincial Health Officer, Dr. Carlos Cortina III.

Tinukoy na isinasailalim na sa mandatory quarantine ang 10 kaanak ng nasabing domestic helper na taga-Solana, Cagayan dahil sila ang direktang nakasalamuha nito.

Bukod dito, isinailalim na rin nila sa swab test ang mga ito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Matatandaang lumuwas ng Metro Manila ang nasabing DH noong Disyembre 17 at agad na nagpa-swab test at kinabukasan ay lumabas ang resulta nito at negatibo ito sa COVID-19.

Nagtungo ito sa Hong Kong noong Disyembre 22 at pagdating sa lugar ay isinailalim din ito sa quarantine at swab testing kung san natuklasang nahawa ito sa bagong COVID-19 variant.

-LIEZLE BASA IÑIGO