SAN FRANCISCO (AP) – Isang malaking posibilidad ang pagbabalik ng ‘Linsanity’ sa NBA.

curry

Nagkaroon ng linaw ang usapin sa hangarin ni Jeremy Lin na makabalik-laro sa NBA nang tanggapin ang kontrata para maglaro sa Santa Cruz – ang koponan ng Golden State Warriors sa G League.

Ang kaganapan ay isang hakbang para sa katuparan ng Taiwanese-American playmaker na muling makipagsapalaran sa NBA matapos lisanin ang career sa China nitong Setyembre.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon sa pahayag ni Shams Charania sa The Athletics nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), natuloy ang usapin sa Santa Cruz matapos mabinbin nang magkaroon nang isyu sa kontrata ni Lin sa Beijing Ducks.

Samantala, nasa gitna nang panonood sa laro ng Brooklyn Nets at Philadelphia si Sixers guard Seth Curry nang ipaalam na nagpositibo siya sa COVID-19.

Nasa bench si Curry dahil sa pamamaga ng kaliwang paa nang ipaalam sa kanya ang resulta ng COVID-19 test , ayon sa The Athletics. Kaagad na nilisan ng back-up guard ang bench at inilagay sa isolation. Kapwa sinimulan nang magkabilang koponan ang contact-tracing procedures.

Mananatili si Curry sa New York para kompletuhin ang ‘quarantine procedure’.

Lumagda naman ng kontrata sa New York Knicks si Taj Gibson para muling makasama ang dating coach sa Chicago Bulls na si Tom Thibodeau.

NETS 122, SIXERS 109

Sa New York, nagapi ng Brooklyn Nets ang nangungunang Philadelphia Sixers, sa kabila nang hindi paglalaro nina All-Stars Kevin Durant at Kyrie Irving.

Hataw si Joe Harris sa naiskor na season-high 28 puntos para sandigan ang Nets.

CAVALIERS 94, GRIZZLIES 90

Sa Memphis, ratsada sina Andre Drummond na may 22 puntos at 15 rebounds at Larry Nance Jr. na may tig-18 puntos sa panalo ng Cleveland Cavaliers kontra Grizzlies.

Nag-ambag sina Cedi Osman na may 16 puntos, habang kumana si JaVale McGee ng 13 puntos.