WASHINGTON (AFP) — Sa kauna-unahang pagkakataon nitong Huwebes ay nangako si Donald Trump ng isang matiwasay na na paglilipat ng kapangyarihan kay Joe Biden at kinilala na patapos na ang kanyang pagkapangulo habang lumalakas ang panawagan na tanggalin siya sa puwesto dahil sa paghimok ng mob attack sa US Capitol.

Isang hindi pangkaraniwang maamong Trump, sa video na inilabas niya sa Twitter, ang nagkondena sa mga manggugulo na lumusob sa ngalan niya sa sesyon sa kongreso na nagpatunay sa tagumpay ni Biden, gayunman hindi siya bumati o binanggit ang pangalan ng kanyang kahalili.

“This moment calls for healing and reconciliation,” sinabi ni Trump, sa isang nakayayanig na pagbabago ng tono mula sa magulong rally kung saan hinimok niya ang libu-libong mga tagasuporta na magmartsa patungonsa Capitol.

“We have just been through an intense election and emotions are high, but now tempers must be cooled and calm restored,” sinabi ni Trump, nakatayo sa lectern na may presidential seal.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“A new administration will be inaugurated on January 20. My focus now turns to ensuring a smooth, orderly and seamless transition of power,” aniya.

“Serving as your president has been the honor of my lifetime,” sinabi ni Trump, nang walang malinaw na pagsang-ayon at iginiit na siya ay “fighting to defend American democracy.”

Ang pagbaligtad ni Trump ay dumating matapos ang pagbibitiw ng kanyang aides kasama ang isang miyembro ng gabinete at panawagan ng dalawang nangungunang mga Democrat sa Kongreso ng kanyang agarang pagtanggal sa puwesto, halos dalawang linggo na lamang ang natitira sa pinakamakapangyarihang trabaho sa buong mundo.

Tumanggi naman si Biden na tugunan ang mga panawagan sa pagtanggal kay Trump ngunit inakusahan niya ito ng “all-out assault on the institutions of our democracy.”

Hinimok nina House Speaker Nancy Pelosi at Senate Democratic leader Chuck Schumer si Vice President Mike Pence na ipataw ang 25th Amendment, na nagpapahintulot sa isang nakararami ng gabinete na tanggalin ang isang pangulo na itinuring na hindi kayang gampanan ang kanyang mga tungkulin.

Kung hindi man, nagbanta sila na i-impeach si Trump sa pangalawang pagkakataon.

“This is an emergency of the highest magnitude,” sinabi ni Pelosi, inilarawan si Trump na “very dangerous person.” “By inciting sedition, as he did yesterday, he must be removed from office,” aniya. “While it’s only 13 days left, any day can be a horror show for America.